
May maagang regalo ang GMA Network at GMA Heart of Asia sa mga Kapuso dahil mapapanood na ngayong Setyembre ang season 2 ng isa sa mga tumatak na Japanese drama manga series sa bansa -- ang Gokusen.
Masusubaybayan sa seryeng ito ang pagpapatuloy ng kuwento ni Teacher Kumiko "Yankumi" Yamaguchi at ng kanyang mga pasaway at kinatatakutang estudyante mula sa section 3-D.
Sa finale ng season 1 ng Gokusen ay napanood ang graduation ceremony sa Shirokin High School kung saan ang pinuno ng mga makukulit na estudyante pa na si Sawada Shin ang tinanghal na valedictorian. Sa kanyang valedictory speech ay pinasalamatan niya ang kanilang mahal na guro na si Yankumi.
Pero sa kanilang pagtatapos, ano kaya ang mangyayari kung malayo na sila sa kanilang tagapagtanggol na si Teacher Yankumi?
Ang pagpapatuloy na maaksyon na kuwento ni Yankumi at ng kanyang mga estudyante, abangan sa Gokusen season 2 ngayong September 26, 8:25 ng umaga sa GMA!