
Sa ikalawang linggo ng Gokusen season 2, muling nasubukan ang tapang at talino ni Teacher Yankumi upang madisiplina ang mga estudyante.
Takot na takot ang school heads at teachers sa panggugulo ng mga bayolente at salbaheng estudyante sa kanilang paaralan at wala ni isa sa kanila ang nangahas na pagalitan ang mga mag-aaral.
Dahil dito, to the rescue agad si Teacher Yankumi upang matigil ang panggugulo ng nasabing mga estudyante. Gulat na gulat naman ang lider ng nasabing mga pasaway na mag-aaral sa ipinakitang tapang at lakas ni Teacher Yankumi.
Dahil sa pagkatanggal ng kanilang angas, muling napabilib ang mga kapwa guro ni Yankumi sa kanya.
Pero, tuluyan na nga bang nagbago ang mga nasabing pasaway na estudyante?
Sabay-sabay na tutukan pagpapatuloy na maaksyon na kuwento ni Teacher Yankumi at ng kanyang mga estudyante sa Gokusen season 2, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA!