GMA Logo Gokusen
What's Hot

'Gokusen' Season 2, mapapanood na ngayong Setyembre sa GMA!

By Jimboy Napoles
Published September 16, 2022 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Repatriated OFWs from Middle East to receive full psycho-social support
Libreng pap smear at breast exam, hatid ng GMAKF sa Catanduanes ngayong Women's Month | 24 Oras
Man punches senior citizen during road altercation; faces raps

Article Inside Page


Showbiz News

Gokusen


Magpapatuloy ang kuwento ni Teacher Yankumi at ng kanyang mga estudyante sa 'Gokusen' season 2 ngayong Setyembre sa GMA.

May maagang regalo ang GMA Network at GMA Heart of Asia sa mga Kapuso dahil mapapanood na ngayong Setyembre ang season 2 ng isa sa mga tumatak na Japanese drama manga series sa bansa -- ang Gokusen.

Masusubaybayan sa seryeng ito ang pagpapatuloy ng kuwento ni Teacher Kumiko "Yankumi" Yamaguchi at ng kanyang mga pasaway at kinatatakutang estudyante mula sa section 3-D.

Sa finale ng season 1 ng Gokusen ay napanood ang graduation ceremony sa Shirokin High School kung saan ang pinuno ng mga makukulit na estudyante pa na si Sawada Shin ang tinanghal na valedictorian. Sa kanyang valedictory speech ay pinasalamatan niya ang kanilang mahal na guro na si Yankumi.

Pero sa kanilang pagtatapos, ano kaya ang mangyayari kung malayo na sila sa kanilang tagapagtanggol na si Teacher Yankumi?

Ang pagpapatuloy na maaksyon na kuwento ni Yankumi at ng kanyang mga estudyante, abangan sa Gokusen season 2 ngayong September 26, 8:25 ng umaga sa GMA!