GMA Logo Golden Cañedo, Sarah Geronimo
Source: thegoldencanedo/IG, justsarahgph/IG
What's on TV

Golden Cañedo, excited na makita sa personal si Sarah Geronimo

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2026 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: July 17, 2026
Public urged to be aware of signs of possible landslides
Diabetes fair brings accessible health education and wellness closer to the community

Article Inside Page


Showbiz News

Golden Cañedo, Sarah Geronimo


Looking forward si Golden Cañedo na makilala ng personal ang iniidolong si Sarah Geronimo.

Sa kaniynag pagbabalik sa limelight, sinabi ni Golden Cañedo na isa sa mga gusto niyang maka-collaborate ay ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, napag-usapan nina King of Talk Boy Abunda at Golden kung paano kinukumpara ang dating Clasher sa Popstar Princess.

“Masaya po ako dahil marami pong nagsasabi sa 'kin na kamukha ko daw po si Miss Sarah G,” sabi ni Golden.

Dagdag pa ng singer, “And sobrang grateful po ako dahil nu'ng kabataan niya po up until now, nanonood po ako kay Miss Sarah G at talagang hinahangaan ko din po siya.”

Aminado naman si Golden na hindi pa niya nakikita si Sarah ng personal, at sinabing gusto niyang makilala ang Popstar Princess.

BALIKAN ANG PAGSABAK NI SARAH SA EARTH DAY RUN 2026 KASAMA ANG IBA PANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:

Limang taon ding nagpahinga sa showbiz si Golden. Sa mga panahong iyon, nakapagtapos siya ng kursong BS Nursing. Sa isang panayam, ibinahagi ng singer na sa susunod na taon siya kukuha ng licensure exam.

Sa kaniyang pagbabalik, magiging bahagi si Golden ng GMA Afternoon Prime series na Born to Shine kung saan gaganap siya bilang si Lexi Hipolito, isa sa dalawang bagong miyembro ng fictional P-Pop group na NIXI. Makakasama rin niya dito si AC Bonifacio na gagampanan naman ang role ni Kendall Domingo.