
Araw ng Kalayaan at huling banggaan ng grand finalists ng "Tanghalan ng Kampeon" ang mapapanood ngayong June 12 sa TiktoClock.
Ipakikita ng grand finalists na sina Ace Espinosa mula sa Balanga, Bataan; Eula Bautista mula sa Atimonan, Quezon; Niel Briones mula sa Bocaue, Bulacan; Anna Marie Ricafrente mula sa Meycauayan, Bulacan; at Chelsea Balignot mula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ang kanilang pinaghandaang performance upang makamit ang titulong Grand Champion sa Tanghalan ng Kampeon.
Matapos ang ilang buwang puno ng matitinding performances, sino kaya ang aangat sa lahat at magpapabilib sa Lupon ng Inampalan?
Asahan ang matitinding biritan, nakakaantig na mga eksena, at mga performance na siguradong hindi malilimutan habang ibinubuhos ng ating mga finalists ang kanilang puso at talento para sa Huling Banggaan ng Tanghalan ng Kampeon.
Sino kaya ang tatanghaling bagong "Tanghalan ng Kampeon" grand champion? Abangan ito sa TiktoClock ngayong Biyernes, June 12, 11:00 a.m. sa GMA.