
Naihatid na sa huling hantungan ang 97-year-old social media star na si Grandma Anicia Santos Manipon.
Ilang clips mula sa libing ni Grandma ang ibinahagi ng kanyang apo at content creator na si Chris Punsalan sa social media.
Bukod sa ilang naging kaganapan sa malungkot na event, ibinahagi rin ni Chris ang ilang moments nila ni Grandma noong nabubuhay pa ang huli.
Sulat niya sa caption ng kanyang post, “I miss grandma.”
Base sa video na inupload ni Chris, sobrang namimiss niyang ang napakaraming bagay tungkol sa kanyang lola.
Kabilang sa mga ito ay ang eating at drinking time ni Grandma, pagtutupi ng napkins, at iba pa.
Si Grandma ay nakilala ng netizens dahil sa mga caregiving-related vlogs ng Kapampangan vlogger na si Chris.
Ayon sa isa sa vlogs ni Chris, proud niyang ibinahagi na dating public school teacher si Grandma at nagturo siya ng halos mahigit dalawampung taon.
Samantala, narito ang ilang pang family vloggers na kinagigiliwan ng mga Pinoy: