
Nakakakabang mga eksena ang matutunghayan sa susunod na episodes ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ngayong alam na ni Lolo Pepe (Leo Martinez) na hindi niya tunay na po si Zoey (Kazel Kinouchi), aaksyon na siya laban kay Moira (Pinky Amador).
Sa paghaharap nina Lolo Pepe at Moira, magkukunwari si Zoey na wala siyang kaalam-alam sa nabunyag na sikreto.
Ididiin ni Zoey ang kanyang mommy na si Moira at ipapakita niya kay Lolo Pepe na nadamay lamang siya sa kasinungalingang ito.
Matinding galit ang mararamdaman ni Lolo Pepe hanggang sa magpasya siyang isiwalat ang katotohanan sa kanyang pamilya.
Gumana kaya ang pagkukunwari ni Zoey?
Magtagumpay kaya si Lolo Pepe sa kanyang balak na sabihin kina Doc RJ (Richard Yap) at Analyn (Jillian Ward) ang tungkol kay Zoey?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Huwebes, November 23, sa video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.
Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P5,000 daily at P50,000 sa grand raffle.
Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.