
May exciting na mga kuwento at mga adventure ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa special limited series ng Amazing Earth na Amazing Earth in the City.
Tampok ngayong Biyernes (March 28) ang mga kaabang-abang na kuwento ng award-winning host na si Dingdong tungkol sa survival instincts ng weird and wild sea creatures mula sa wildlife series na "Alien Abyss: Allies or Adversaries".
Mapapanood din sa Amazing Earth In The City ang Sparkle artists na sina Haley Dizon at Migs Almendras. Sila ay sasabak sa amazing challenge na "Games of the Gens." Susubukan nina Haley at Migs exciting activities tulad ng High Rope, Zip Bike, at Skywalk Bridge Crossing.
Alamin kung sino kina Gen Z Haley at Gen Y Migs ang mas mabilis at mas malakas sa challenge na ito.
Abangan ang bagong episode ng special limited series ng Amazing Earth na Amazing Earth In The City tuwing Biyernes, 9:25 p.m. pagkatapos ng Mga Batang Riles sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURE NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: