
Exciting na Friday ang aabangan sa No.1 game show sa bansa dahil pinaghalong katatakutan at katatawanan ang hatid ng special Halloween episode.
Maglalaro sa Family Feud ngayong October 31 ang funnyman na si Long Mejia tampok ang kaniyang signature wit and wackiness.
Makakasama niya sa The Mejia Family ang anak niyang si Donito 'Dos' Mejia, ang girlfriend ng kaniyang anak na si Tey Clarisse Evangelista, at ang long-time friend ni Long, ang aktres na si Jenny Miller.
Makakatapat nila sa Family Feud stage ang new wave of Filipino humor na Pencilbox Comedy. Ang rising comedy collective ay kilala online sa viral sketch videos, live shows, at hit podcast tungkol sa everyday Pinoy life.
Bahagi ng team ang stand-up comedian and self-declared language expert na si Roger Naldo; ang beauty-queen-turned-comedian na si Issa delos Santos; ang stand-up comedian and graphic artist na si Arghie Malgapo; at ang pharmacist-turned-flight attendant na si Princess Singh.
Ultimate showdown ng old-school comedy at digital-age humor ang hatid ng Family Feud ngayong October 30, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: