Article Inside Page
Showbiz News
Sa bagong game show, si Eugene Domingo at ang grupo ng mga bibong bata na five to 10 years old ang magbibigay ng katatawanan sa mga viewers.
Ngayong Friday, April 16, ay magsisimula na ang pinakabagong game show sa GMA 7, ang Wachamakulit. Ang batikang komedyante na si Eugene Domingo at ang grupo ng mga bibong bata na five to 10 years old ang magbibigay ng katatawanan sa mga viewers. Text by Karen A. De Castro. Photos courtesy of GMA Network.
Kakaiba ang
Wachamakulit dahil isa itong game show kung saan susubukang intindihin ng tatlong adult contestants ang ibig sabihin ng mga batang tutulong sa kanila sa mga games na kanilang lalaruin. Ang lahat ng clues para sa four rounds ng
Wachamakulitay ibibigay ng mga bata.

“Ang exciting dito, mga bata ang nagbibigay ng games para sa mga adult players,” kuwento ni Eugene sa kanyang interview sa
Chika Minute kamakailan.
Sa “Wach Dat?” ay magpapahula ang mga bata ng mga bagay o mga concepts by giving different clues sa three adult contestants.
Sa “Tao Po!” naman ay susubukan ng mga contestants na hulaan kung sino o anong klaseng tao--maaaring celebrity o isang propesyon--ang ginagaya ng mga bata.
May challenge din tungkol sa kaalaman sa music. Sa “Kantaranta,” tutugtog ang kiddie band ng tatlong kanta for fifteen seconds each, at kailangang mahulaan ng mga contestants kung ano ang title ng mga ito.
Ang contestant na makakakuha ng pinakamataas na puntos pagkatapos ng three rounds ang makakasali sa “Feeling Clues.” Dito, sasabayan na ni Eugene ang mga bata sa pagbibigay ng mga clues tungkol sa tatlong bagay na kailangan nilang hulaan.
Asahan na ang kakaibang game show experience na magbibigay ng katatawanan habang sinusubukan ng mga adult contestants na intindihin ang clues ng mga bata, kasabay si Eugene.
Maraming pinagkakaabalahan ang komedyanteng host these days. Katatapos lang ng kanyang very successful na
SRO Cinemaserye presents Hot Mama, at kabilang siya sa cast ng First Time. Bukod sa
Wachamakulit, may isa pang bagong show si Eugene kung saan kasama niya naman si Allan K., ang
Comedy Bar.
Nagbiro naman si Eugene tungkol sa kanyang pagho-host sa
Wachamakulit noong nakaraang linggo ang mag-guest sa
Party Pilipinas last Sunday.
“
Wachamakulit po ay show ko naman po na pambata. Pang-offset po ito sa kalaswaan ko sa
Comedy Bar,” kanyang biro. “Meron din po akong pambata. Game show ito na pambagets.”
Malaki naman ang pasasalamat ni Eugene sa mga projects na ibinibigay ng Kapuso Network sa kanya.
“Gusto ko itong samantalahin, pagbutihan, at ibalik ang tiwalang ibinibigay nila sa akin,” dagdag niya sa kanyang
Chika Minute interview.
Mapapanood ang
Wachamakulit every Friday beginning April 16, sa
Bilib Ka Ba Araw-Araw ng GMA Network.
Excited ka na ba sa
Wachamakulit? Pag-usapan sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!