GMA Logo Hannah Precillas
What's on TV

Hannah Precillas, aminadong naka-relate sa theme song ng 'Endless Love'

By Bong Godinez
Published June 10, 2021 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas


May naaalala ba si Hannah Precillas sa tuwing kinakanta niya ang 'Kulang Ang Sandali?'

Hindi pa rin natitinag ang titulo ni Hannah Precillas bilang OST Princess ng Kapuso network.

Sa katunayan ay si Hannah muli ang napili na kumanta ng theme song ng nagbabalik na Endless Love, ang Philippine adaptation ng South Korean drama series na unang napanoond noong 2010.

Pinagbibidahan ang serye ng noon ay magkasintahan pa lang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ang theme song na inawit ni Hannah ay may pamagat na “Kulang Ang Sandali” na isinulat ni Natasha Correos.

Hindi naman itinanggi ni Hannah na nakaka-relate siya sa mensahe ng kanta na may tema ng pangungulila at pagkasabik sa isang minamahal.

May nanunumbalik ba na alaala tuwing kinakanta ni Hannah ang awitin?

“Hindi naman na 'ko magde-deny. There were few heartbreaks na din before. Siyempre hindi maiiwasan 'yon. May part dun sa kanta na naramdaman ko na din,” kuwento ni Hannah nong mag-guest ito sa GMA Playlist kahapon, June 9.

“'Yong hindi pag-workout ng relationship natural naman 'yon, e. Kasi hindi naman lahat ng tao na darating sa buhay mo automatic na meant na talaga sa 'yo. So 'yong iba talaga hindi magwu-work.

“But ang maganda dun sa mga naging experiences ko were the lessons. Marami akong natutunan hindi lang about sa relationship but siyempre sa sarili ko rin, na nakita ko paano ako magmahal, na hindi pala dapat ganito, hindi pala dapat ganyan.”

Naikuwento rin ni Hannah na marami silang pinagpilian para umawit ng theme song ng Endless Love.

“Ang alam ko there were other artists din na pinag-record nila,” sabi ni Hannah.

Kaya naman laking tuwa at pasasalamat ni Hannah nang siya ang napili ng GMA para sa proyekto.

“Narinig ko pa lang 'yong kanta, gustung-gusto ko na 'yong arrangement, 'yong message nung kanta, gustong-gusto ko na siya,” sabi ni Hannah.

“Matanggap man ako or hindi, mapili man ako o hindi, okey lang sa akin kasi ang ganda ng kanta, e. Parang hobby ko na lang din na araw-araw akong kakanta and good thing din para sa akin na may natutunan akong bagong kanta.”

Dagdag pa ni Hannah, “Luckily, ako po 'yong napili nila so sobrang nakakataba ng puso na another theme song na naman ang aking nagawa at another achievement na naman 'to sa aking career.”

Samantala, available na sa lahat ng music streaming platforms ang “Kulang Ang Sandali.”

Watch more of Hannah Precillas on GMA Playlist: