GMA Logo Hannah Precillas, Garrett Bolden
Photo by: hannahprecillas, garrettboldenjr IG
What's on TV

Hannah Precillas, Garrett Bolden, natuwa sa special shout out ni Vice Ganda

By Kristine Kang
Published October 30, 2024 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas, Garrett Bolden


Kasama si Hannah Precillas at Garrett Bolden sa pinaka memorable Kapuso guests para kay Vice Ganda.

Maraming Kapuso stars ang bumisita at nakisaya sa fun noontime program na It's Showtime.

Mula sa simpleng pagbati ng "What's up, madlang people!" hanggang sa kanilang special performances, certified na naghandog ng saya at aliw ang Kapuso artists sa madlang viewers.

Isa sa mga unforgettable Kapuso guests daw ni Vice Ganda ang mga singer na sina Garrett Bolden at Hannah Precillas. Dahil sa kanilang magagandang boses at talento, madalas raw humahanga ang Unkabogable Star sa kanila. Hindi niya rin makakalimutan si Hannah dahil sa kulitan nila sa programa.

"Sobrang naha-happy ako sa GMA singers kasi hindi ko naman sila palaging napapanood pero we got the chance na marinig sila live dito dahil sa EXpecially For You," sabi ni Vice sa isang media conference.

"'Yung panahong ka-chika ko sila tapos ang babait nila," dagdag pa niya.

Sa isang exclusive interview naman kasama ang GMA Network, ibinahagi ng dalawang singers ang kanilang reaksyon sa special mention ni Vice.

Ayon sa Kapuso stars, labis ang kanilang tuwa na marinig ang kanilang pangalan bilang mga paboritong guest ng It's Showtime host. Para kay Garrett, espesyal ito sa kanya bilang dating contestant sa "Tawag ng Tanghalan."

"Sobrang nakaka-overwhelm kasi back story lang, before I became a Kapuso, marami akong sinalihan na singing competitions and one of that is in It's Showtime, 'Tawag ng Tanghalan.' I was there for the first season. Napaka-thankful ako nakabalik ako sa It's Showtime stage and to sing as well. Noong na-meet nila ako, na-share ko 'yung talent ko, sobrang happy sila," pahayag niya. "Nakatulala ako noong pinapanood ko. Sabi ko, 'Talagang natandaan niya 'yung name ko.' I'm really happy, overwhelmed and thankful."

Hindi rin mapigilan ang ngiti ni Hannah nang mapanood niya ang video ng media conference. Natawa pa siya na hindi raw makalimutan ni Vice ang kanilang iconic moment kung saan biglang tinanong ng comedian kung sino ang OST queen sa kanya.

"Grabe yung tuwa ko noon at natawa din dahil nandoon pa rin tayo sa OST queen, hindi pa tayo nakaka-get over pero alam ko na ngayon (ang sagot)," pabiro sinabi ni Hannah. "Thank you Meme Vice na na-appreciate niyo po 'yung talent ko. Maraming-maraming salamat talaga. Na-miss ko na rin na mag-guest diyan sa It's Showtime kaya sana ay magkita ulit tayo at magkaroon tayo ng time. Sana na makapag-bonding, makapag-usap nang mas malalim pa."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG 'IT'S SHOWTIME' SA GALLERY NA ITO.