GMA Logo Garrett Bolden
Photo by: garrettboldenjr IG
What's on TV

Garrett Bolden, kinilig sa mga papuri ng 'It's Showtime' hosts

By Kristine Kang
Published May 22, 2024 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Garrett Bolden


Garrett Bolden sa kanyang experience sa programa, "Siyempre kinilig ako."

Hindi maitago ang labis na tuwa at kilig ng Kapuso artist na si Garrett Bolden sa mga papuri na natanggap niya sa noontime program na It's Showtime.

Sa kanyang pag-guest noong May 9 sa patok na segment na "EXpecially For You", hinarana niya ang madlang Kapuso ng kantang "Beautiful," isa sa mga theme song ng K-drama series na Goblin.

Pinuri siya ni Vice Ganda at ng ibang hosts sa maganda niyang awitin, lalo na at paborito pa ng Unkabogable star ang kanta.

Sabi pa ni Vice kay Garrett habang siya'y niyakap nito, "Thank you, you sang that so beautifully."

Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, ibinahagi ni Garrett ang kanyang kilig moment experience sa naturang programa.

Aniya, "Siyempre kinilig ako na natuwa kasi it's my first time singing that song na binigay nila sa akin to sing. I know it's a short song pero at that moment, talagang pinaghandaan ko siya and that sobrang sarap sa pakiramdam na na-appreciate nila 'yung aking pagkanta ng song na ito."

Looking forward ang Kapuso singer na mag-guest ulit sa It's Showtime. Nais niya rin daw maging isa sa mga hurado ng segment na "Tawag Ng Tanghalan".

"Siguro sobrang dami ko pa kailangang gawin pero gusto ko maging hurado one day," sabi niya.

Ipinasilip din ni Garrett ang kanyang video clip sa programa sa kanyang Instagram, kung saan maraming netizens ang humanga at naging proud para sa Kapuso singer. Maraming nag-comment kung gaano kagaling at kaganda ang pag-awit ni Garrett sa kanta.

A post shared by garrett devan bolden jr (@garrettboldenjr)

comments about Garrett Bolden s singing

Photo by: garrettboldenjr IG

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, panoorin ang buong episode ng programa dito: