
Na-excite umano si Hannah Precillas sa pagsisimula ng 2021 dahil kabilang siya sa OST ng bagong romance-fantasy series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.
Ang The Lost Recipe ay ang bagong programang pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. Sila ang magpapakilig sa mga manonood gabi-gabi bilang sina Chef Apple Valencia at Chef Harvey Napoleon simula ngayong January 18.
Kuwento ni Hannah, masaya siyang nakapag-record siyang muli sa studio pagkatapos ng matagal na panahon dahil sa The Lost Recipe.
Photo source: @hannahprecillas
"It was an exciting experience since it is one of my first activities for this year 2021. It feels good to be able to record in the studio again and of course masaya ako dahil another theme song na naman ang nagawa, na-record ko."
Ang kanta ni Hannah ay ang kantang "No Matter What It Takes." Makaka-duet niya rito si Topper Fabregas na isa sa mga cast ng The Lost Recipe. Si Topper ay gaganap bilang Alfredo Legazpi.
Ayon kay Hannah, maganda ang mensahe ng kantang "No Matter What It Takes."
"'Yung message ng song, sobrang nakakagaan ng loob when you listen to it. And, I also somehow can relate to it."
Dugtong ni Hannah, nakaka-relate siya dahil alam niya umano ang feeling na makilala ang isang tao sa hindi inaasahang pagkakataon.
"Kasi I love the feeling na alam mo sa sarili mong panatag ka na and you feel safe with your situation with someone who came into your life unexpectedly."
Abangan ang kanta nina Hannah at Topper at ng iba pang cast ng The Lost Recipe tulad nina Mikee Quintos, Kelvin Miranda, Paul Salas, at Crystal Paras. Meron ring awiting handog ang mga Clashers na sina Jennifer Maravilla, Jessica Villarubin, at Jeremiah Tiangco.
Subaybayan rin ang pilot episode ng The Lost Recipe bukas, 8:00 p.m. sa GMA News TV.
Mikee Quintos at Kelvin Miranda, nag-react sa mga pagkukumpara ng 'The Lost Recipe' sa K-Drama
#MiKel: Mikee Quintos and Kelvin Miranda's sweetest photos