GMA Logo Ashley Rivera
What's on TV

'Happy ToGetHer' actress Ashley Rivera, todo na ang performance sa script reading pa lang

By Aedrianne Acar
Published December 22, 2021 10:30 AM PHT
Updated December 22, 2021 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lockdown due to 'Cicada' COVID-19 variant false, says DOH
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Rivera


Ready na ang “sexytary” na si Pam na maghatid ng good vibes sa 'Happy ToGetHer' sa darating na December 26, bago ang 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Gaganap bilang pretty secretary sa Happy ToGetHer ang Bubble Gang comedienne na si Ashley Rivera.

A post shared by Ashley Rivera (@itsashleyrivera)


Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa kilalang TikTok star, naikuwento nito ang magandang samahan nila sa lock-in taping ng sitcom.

Ayon kay Ashley, tuwang-tuwa siya na maka-eksena ang comedian na si Jayson Gainza.

Aniya, “Si Jayson Gainza, actually tawang-tawa na ako sa kanya dating-dati pa. Pero nakakatuwa lang, kasi kung ano 'yung napapanood ko sa TV ganun lang din kasi siya in person. 'Tapos ano lang kami nagsama-sama 'yung kabaliwan namin na tawa lang kami ng tawa, tapos ang sarap niya kausap. So ganun 'yung mga gusto ko katrabaho.”

Nakatatak din sa isip at puso ng GMA Artist Center beauty na gusto niya ipakita ang “best version” of herself na hinubog ng magagaling na Kapuso comedians tulad na lang ng award-winning star na si Michael V.

Paliwanag ni Ashley sa GMANetwork.com, “Kaya nagjo-joke sila, kasi bago kami mag-take. Actually, meron kaming script reading prior to the lock-in.

“So siyempre, habang nagii-script reading, ipapasok mo na siya na may kasamang punchline. Kung paano mo siya ibibitaw sa mismong eksena, doon pa lang sa reading bibitaw ka na.”

Dagdag niya, “So siyempre, ako nandoon na rin 'yung pressure, kahit sabihin nila na wala. Pressure sa sarili ko na, 'Uy isa ako sa mga napiling Kapuso artist na nakapasok, so kailangan ko talagang galingan'.”

Naka-focus din ang Kapuso comedienne sa paghahanda bago ang kanyang mga eksena, para hassle free ang shooting experience niya sa Happy ToGetHer.

“And I make sure hindi ako magbu-buckle, na memorize ko 'yung lines ko. Alam ko 'yung blocking ko. And sila mismo nagsabi, 'Uy, okay ang galing mo or very natural 'yung pagkaka-deliver mo'.”

“At saka lagi ko binibida, of course, ang Bubble Gang, kasi I give credit, where credit is due, 'di ba and ayun I think happy naman sila sa performance ko. At saka proud ako sabihan na naka-ilang eksena na one take lang kami.”

Here are some of the bonding moments of the Happy ToGetHer stars, during their lock-in taping in this gallery.