
May big announcement na mangyayari this Sunday night sa Happy ToGetHer!
Kasi ang boyish na si Rocky (Jenzel Angeles) ipapakilala sa lahat ang boyfriend niya na si Ivan (Victor Anastacio)!
Totoo kaya na in love ang dalaga sa lalaki o ginagawa lang niya ito para magpakitang gilas sa secret crush niya na si Daddy Julian (John Lloyd Cruz)?
Walang sawang maghahatid ng good vibes ang Happy ToGetHer. Panoorin ang bagong episode sa March 13 with special guests Victor Anastacio and Jobert Austria!
Kaya huwag nang umalis this Sunday night, dahil sagot na namin ang quality entertainment bago ang Kapuso Mo Jessica Soho, mga Kapuso.
Kilalanin ang iba pang co-stars ni John Lloyd Cruz sa hit Kapuso sitcom sa gallery below.