GMA Logo Harlene Bautista and Federico Moreno
What's on TV

Harlene Bautista, napilitan nga bang aminin ang bagong relasyon?

By Maine Aquino
Published November 20, 2020 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Harlene Bautista and Federico Moreno


Sa kanyang interview sa online show na 'Just In,' may inamin si Harlene Bautista tungkol sa kanyang bagong relasyon.

Sa Just In ay masayang ibinahagi ni Harlene Bautista ang kanyang kuwentong pag-ibig sa host nitong si Vaness Del Moral.

Ayon kay Harlene, ang boyfriend niya ngayon ay ang anak ni German "Kuya Germs" Moreno na si Federico Moreno. Isinapubliko umano nilang dalawa ang kanilang relasyon nito lamang September 2020 sa kanilang unang monthsary.

Harlene Bautista and Vaness Del Moral
Photosource: Just In

Saad ni Harlene, "Nag-celebrate kami, siya 'yung unang nag-post. Sabi ko okay sige."

Nilinaw ni Harlene na hindi siya napilitan na mag-post. Ito ay dahil lamang una niyang inisip ang privacy ni Federico na hindi naman umano taga-showbiz.

"Hindi akong napilitan. parang nagka-go signal ako na mag-post kasi ayoko rin masyado post ng post. Kasi hindi naman siya artista, hindi naman siya showbiz na showbiz. We all know he's the son of kuya Germs pero very private siya talaga."

Dugtong pa ni Harlene, naging komportable na siyang mag-upload ng photos nila simula nang nakita niyang okay kay Federico na maging public na ang estado ng kanilang relasyon.

"'Di rin naman maiiwasan dahil artista ako. Nung nag-post siya, ah okay e di puwede ako mag-post. Naghihinay-hinay din ako."

Matatandaang napabalita noong 2018 ang paghihiwalay nina Harlene at ng kanyang dating asawa na si Romnick Sarmenta pagkatapos nilang magsama ng 19 years.

Si Federico naman ay ang dating asawa ni Sheila Magdayao na kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Panoorin ang kabuuang kuwento ni Harlene sa Just In.

Related links:

Just In: Harlene Bautista, papayagan bang mag-artista ang mga anak? | Episode 10

Just In: Harlene Bautista, producer ng 'Rainbow's Sunset!' | Episode 10