GMA Logo arnold clavio
Source: Kapuso Mo Jessica Soho
What's Hot

Arnold Clavio, pinairal ang 'presence of mind' nang tamaan ng hemorrhagic stroke

By Aedrianne Acar
Published July 2, 2024 11:39 AM PHT
Updated July 2, 2024 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

arnold clavio


Arnold Clavio: "Agad pumasok sa isip ko naku totoong may himala ang Diyos. Hindi ka Niya pababayaan.”

Presence of mind at milagro.

Ito ang mga naging susi para malagpasan ng broadcast journalist na si Arnold Clavio ang hinarap niya matinding pagsubok nang tamaan siya ng hemorrhagic stroke.

Eksklusibong nakapanayam ng Kapuso Mo Jessica Soho ang GMA News Pilar habang ito ay sumasailalim sa rehabilitation matapos ang kaniyang health scare.

Dito, ikinuwento mismo ni Arnold, o mas kilala bilang Igan, kay Jessica ang mga nangyari noong gabi ng June 11 habang nagmamaneho siya papauwi galing sa isang golf game.

“Bigla na lang lumamig ito, right arm ko. Malamig siya na mabigat. Erratic yung drive ko, ano 'to?” kuwento ni Igan kay Jessica.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ko na matapakan yung brake, yung gas. Tumatagos yung paa ko. Sabi ko, hindi ko gusto to nangyayari. So, ite-text ko si Ina. Naku! Iba-iba ng letra na nasa cellphone, hindi na ako makabuo ng sentence.”

“Tapos kita ko 'yung speedometer ko parang ang bilis ko, hindi naman ako tumatapak . Yun pala natatapakan ko siya nang mabilis. Pinipilit ko mag-break, pero ayaw mag-break. Kailangan ko ma-break ito, kasi makaka-disgrasya talaga ako.”

Pagbaba raw ni Arnold sa isang gas station para gumamit ng comfort room, nahirapan na raw siya maglakad. “Ma'am Jess, pagbaba ko, hindi na ako makalakad, nanginginig na siya tapos, 'tapos lutang na siya. So, para makarating ako sa restroom, kapit ako sa pintuan. 'Tapos may mga railings dun, kapit ako, bakal ganiyan.”

anong ni Jessica, “Pero hindi ka pa rin ng tulong, ha?”

“Hindi pa, sabi ko, baka pag naihi ko 'to, may na-release sa katawan ko mabawasan siya. Nakaihi na ako. Ang next na ginawa ko, tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Tinignan ko kung tabingi yung mukha ko, e kasi, ang nasa isip ko either stroke or heart attack.”

Nagawa pa rin ni Arnold na makapag-drive sa pinakamalapit na ospital upang matingnan siya ng mga espesyalista.

Nang makarating sa ospital, sabi ni Igan, “Basta tinabi ko lang yung sasakyan ko tapos sumenyas lang ako sa guwardiya, nakikita ko yung doktor sa labas. Sabi ko, 'Dok, patulong po.'

Sabi ng doktor, “Oh, Igan, bakit?” Nagpaliwanag na ang TV broadcaster, “Manhid po yung kanan ko. Inasikaso na nila ako para makahiga agad, may tinurok na sa akin dito para makuhanan ako ng dugo. Naka-blank stare.”

Ayon sa adult neurologist na si Dr. Greg David Dayrit nagkaroon ng intracerebral hemorrhage si Igan o may pumutok na artery sa kaniyang utak.

Pero mabuti na lang ayon kay Dr. Dayrit na may "presence of mind" ang TV-radio broadcaster at agad naisip na dumiretso sa ospital.

Aniya, “Lucky for Arnold, yung naging hemorrhage niya maliit lang. So, it's a small part dun sa left side nung kaniyang thalamus. Ang effect nito usually, on the other side. Sa contralateral, right side niya ang affected. May konting weakness, meron siyang numbness at saka balance instability.

Dagdag pa ng doktor, “Ang galing nung ginawa ni Arnold, presence of mind pumunta na siya kaagad sa nearest hospital.”

Sabi naman ni Arnold, “Ang tawag niya sa akin lucky man kasi out of danger na raw ako, rehabilitation na lang."

Patuloy niya, “Nung time na 'yun, alam mo, Ma'am Jess, hindi ko siya naisip kasi naka-focus ako makarating sa opsital. Pero nung nagsi-sink in na, sinuwerte ka na. Niligtas ka, agad pumasok sa isip ko naku totoong may himala ang Diyos. Hindi ka niya pababayaan.”

Panoorin ang buong panayam ni Arnold Clavio sa KMJS sa video below.

RELATED CONTENT: CELEBRITIES HOSPITALIZED IN 2023