advertisement
Showbiz News

BALIKAN: Celebrities sa unang araw ng community quarantine

1 of 10

Kiray Celis

Para kay Kiray Celis, susulitin niya ang mga araw na walang taping para makasama niya ang kanyang pamilya at para mapanood ang kanyang Korean crush na si Hyun Bin sa 'Crash Landing On You.'

2 of 10

Lyn Ching

Magandang pagkakataon din para sa 'Unang Hirit' host na si Lyn Ching ang home quarantine para makasama niya ang kanyang mga anak, matapos ma-extend ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila. Aniya, perfect time din ito na mas mapanatili ang pagiging healthy. Regular na may running and walking session si Lyn sa kanilang village pero, aniya, dapat pa rin ugaliin ang social distancing.

3 of 10

Bubbles Paraiso

Dahil kailangang iwasan ang paglabas ng bahay, ginawang gym ng modelong si Bubbles Paraiso ang kanyang living room para sa month-long community quarantine.

advertisement
4 of 10

Sam Pinto

Inilunsad ni Sam Pinto ngayong araw, March 15, ang kanyang clothing line na Finn by SP online. Ayon sa kanyang Instagram post, magandang ideya ang online shopping lalo na ngayon na ipinapagbabawal ang paglabas ng bahay.

5 of 10

Kristoffer Martin

Good vibes naman ang hatid ni Kristoffer Martin ngayong unang araw ng community quaratine. Sa Instagram, ibinahagi niya ang kanyang TikTok video kung saan makikitang sumasayaw siya nang topless.

6 of 10

Mariel Rodriguez

Ipinagdiwang naman ni Mariel Rodriguez ang milestone ng kanyang pangalawang anak na si Gabriela sa asawang si Robin Padilla. Four months na ngayong March 15 si Gabriela.

advertisement
7 of 10

Alice Dixson

Ginugol ni Alice Dixson ang unang araw ng community quarantine sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman kung paano maiiwasan ang COVID-19 sa social media.

8 of 10

Joyce Pring

Hindi man makalabas, humanap pa rin ng oras si Joyce Pring para makapagsimba ngayong Linggo sa pamamagitan ng online streaming ng religious services.

9 of 10

Ate Gay at Boobay

Tuloy ang papapasaya nina Ate Gay at Boobay online. Sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts, ni-recreate nila ang ilang eksena ng Pinoy classic films.

advertisement
10 of 10

Isabelle Daza

Bukod sa pakikipag-bonding sa kanyang unico hijo na si Baltie, ginugol ni Isabelle Daza ang kanyang unang araw ng community quarantine sa pagbabasa ng libro.