Showbiz News

Maxene Magalona, may tugon sa mga taong pinapansin ang kanyang pagpayat

By Aedrianne Acar

Nagtataka si Maxene Magalona sa natatanggap niyang komento mula sa ilang netizens na pumapansin sa kanyang pagpayat.

Maxene Magalona

LOOK: Maxene Magalona reminisces wedding with husband Rob Mananquil

Sa Instagram Story ni Maxene, makikita ang reaksiyon niya mga taong pumuna sa kanyang hitsura ngayon.

Natuwa naman din siya na may isa fan mula sa Uganda na positibo ang pananaw sa kanyang body type.

Makahulugan naman ang Instagram post ni Maxene noong Lunes, August 19, matapos mabasa ang mga mensahe ng mga tao na nag-aalala sa kanyang weight loss.

Sa kabila nito, dagsa naman ang suporta ng mga celebrity tulad nina Yasmien Kurdi, Max Collins, at Chariz Solomon, na nagsabing wala silang nakikitang problema sa pangagatawan niya.