Showbiz News

Heart Evangelista, patuloy ang pagtulong sa healthcare workers

By Maine Aquino

Patuloy na namamahagi sa mga higit na nangangailangan si Heart Evangelista.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Heart ang kanyang simpleng paraan para makatulong.

Si Heart ay nag-donate ng masks sa mga frontliners at iba pang mga nangangailangan. Dinagdagan pa niya ng mga espesyal na mensahe.

Saad ng aktres, "Leaving a little note with all the boxes. Hoping this helps lift up their spirits. [heart emoji].

"Sending out more masks to our frontliners and those out there who have none. [praying emoji]"


Bukod sa masks, may ilan na ring natulungang si Heart sa Twitter.

Ilan sa mga ito ay pinadalhan niya ng mga gamot, pagkain, at iba pa.

Sa mga nais tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan ngayong enhanced community quarantine, bisitahin lamang ang https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

IN PHOTOS: How celebrities stay productive during the enhanced community quarantine