Showbiz News

Howie Severino on COVID-19 battle: 'Don't underestimate the power of the mind'

By Dianara Alegre

Isa si Kapuso journalist Howie Severino sa mga nagtagumpay laban sa nakamamatay na 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang espesyal na pagtatampok na nakalathala sa GMA News Online, ikinuwento ni Howie ang kanyang mga naging karanasan bilang si patient 2828.

“It's a tale of long painful needles that couldn't find a vein in my hands, the swabs down my throat that made me gag, the torture of long sleep deprivation, and the team of doctors who formed a Viber group to discuss updates on my case and the experimental drug chloroquine that worked on patients elsewhere and eventually worked on me,” aniya.

Bukod dito, nagbahagi rin si Howie ng mga ilang bagay na dapat isaalang-alang ngayong nahaharap ang bansa sa krisis at lahat ng Pilipino ay apektado.

Aniya, “Transparency is an obligation.

“This disease need not be so lonely.

“When reaching out to COVID-19 patients, do so with more than get well messages.

“COVID-19 need not be a death sentence.

“Don't underestimate the power of the mind."

Nagpasalamat din siya sa mga frontliner na masigasig na nag-alaga sa kanya at sa mga taong nanalangin para sa agaran niyang paggaling.

“Nais ko lang pong magpasalamat sa inyong mga panalangin na nagbigay sa akin ng lakas loob para malampasan itong malaking hamon sa akin.

“Matagal pa ito kaya kailangan lahat tayo lumakas ang loob para harapin itong nakatinding pagsubok sa ating bansa at sa buong daigdig. Sabay-sabay nating lalampasan ito. Mabuhay kayo,” dagdag pa niya.

Nakauwi na si Howie at patuloy na nagpapagaling.

Panoorin ang buong 24 Oras report: