Showbiz News

Sheena Halili, nasabihang 'OA' sa pagdi-disinfect sa bahay

By Aedrianne Acar

Ibinahagi ng Kapuso actress Sheena Halili ang mga ginagawa niyang pag-iingat sa kanilang tahanan para maiwasan ang COVID-19.

Sa Instagram post ni Sheena kahapon, April 23, ikinuwento niyang may sinusunod silang procedure ng kanyang mister na si Atty. Jeron Manzanero pagdating sa pagdi-disinfect sa bahay.

The star-studded wedding of Sheena Halili and Jeron Manzanero

Ani Sheena, "6PM! Pag may nag doorbell, may transformation ng nagaganap!

"Dahil andyan na si mister at galing sa work. Lahat ng gamit na galing sa labas ay sprayan ng disinfectant, lysol, alcohol, punasan ng wipes na may alcohol at direcho sa sterilizer.

"May naka ready narin akong 2 baskets. Basket 1 para sa damit niya, basket 2 para sa mga dala niyang gamit like susi, cellphones etc.Tanggal ng damit sa labas tapos direcho laba at direcho ligo si Jeron."

Dagdag ni Sheena, hindi siya napapagood kahit araw-araw niya itong ginagawa para mapanatiling malinis at komportable ang kanilang bahay.

"Araw-araw di ako mapapagod gawin ito para lang mabigay ko ang best ko, na malinis at komportable ang bahay namin. Sana enough na ito."

Sa comment section ng naturang post, makikita na may reply si Mrs. Manzanero nang sabihan siya ng isang netizen na "OA" sa paglilinis.

Tugon niya dito, "Mas maganda na ang OA kesa walang pakielam."

Ikinasal si Sheena kay Jeron nito lamang February 2020.

FIRST LOOK: The wedding of Sheena Halili and Jeron Manzanero

Samantala, ibinalita kanina, April 24, na mananatili sa enhanced community quarantine hanggang May 15 sa Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Cebu at ibang lugar na may mataas na kaso ng coronavirus.