Showbiz News

Rocco Nacino, dama ang hirap ng COVID-19 frontliners

By Jansen Ramos

Bilang isang registered nurse, dama ni Rocco Nacino ang sakripisyo ng mga COVID-19 frontliner sa pag-iwas sa paglaganap ng sakit.

Aniya, toxic na maituturing ang kalagayan ng mga healthcare worker sa kanilang regular na duty, lalo pa ngayong may global health crisis.

"Being in that field as a nurse, na-expose na ko sa operating room, sa delivery room, sa emergency room," pagbabalik-tanaw ni Rocco sa isang Skype interview ng GMANetwork.com.

"On a normal day na walang ganito, it's crazy.

"It's what you call toxic.

"'Yun 'yung term nila sa ospital na grabe 'yung trabaho na 24 hours nakatayo ka lang, iihi ka lang mabilis, tapos next patient ka na.

"Ang feeling ko with what's happening ngayon, doble pa 'yung trabaho nila.

"I really feel for them," dagdag pa niya.

Isa lamang sa mga suliranin na kinakaharap ng mga nurse, doktor, at iba pang health workers ay ang pagpipigil ng kanilang ihi nang mahigit kumulang walong oras.

Bukod pa rito, maaari ring maapektuhan ang kanilang mental na kalusugan dahil sa pangambang mahawahan sila ng COVID-19 dahil sa close contact nila sa mga pasyente.

Ayon kay Rocco, ang simpleng pagpapahayag ng suporta sa mga frontliner ay napakalaking bagay na para palakasin ang kanilang loob.

"And daming nagpapagawa ng thank you messages or message of support for the frontliners.

"Hindi na 'ko nagdadalawang isip, okay na agad, sige, sino papasalamatan natin?

"Let's do this video to really boost their morale, to keep them going.

"Kasi hindi lang physical tiredness, it's mental game na, kumbaga.

"So after doing this for one month talaga, it will take its toll on you.

"Sa mga tao nga na nasa bahay lang sila for one month, nag-i-scroll lang sa social media, nababaliw na sila.

"What more sa mga frontliners na araw-araw nagtatrabaho," diin pa niya.

Panoorin ang buong panayam dito:

Rocco Nacino spends 33rd birthday "boosting the morale" of COVID-19 frontliners