GMA Logo Christopher de Leon undergoing convalescent plasma therapy
What's Hot

KMJS: Christopher de Leon, ibinahagi ang pinagdaanang COVID-19 health scare

By Bianca Geli
Published May 4, 2020 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

British adult film star faces Bali deportation after studio raid
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Christopher de Leon undergoing convalescent plasma therapy


Sa programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' nag-kuwento ang seasoned aktor na si Christopher de Leon at ang asawa nitong si Sandy Andolong tungkol sa kanilang COVID-19 experience.

Naging matagumpay ang laban ng premyadong aktor na si Christopher de Leon sa COVID-19 kaya naman hindi ito nagdalawang isip na mag-donate ng kanyang plasma para sa COVID-19 patients.

Ang tawag sa prosesong ito ay convalescent plasma therapy kung saan isinasalin ang plasma ng isang COVID-19 survivor sa isang COVID-19 patient. Epektibo raw ito sa paggamot ng mild at severe cases ng COVID-19.

Ms. Everything, nag-Q&A sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

Nagpaunlak ng panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang Drama King kasama ng kaniyang misis na si Sandy Andolong, at dito nila ibinahagi ang kanilang naging karanasan sa COVID-19.

Kuwento ni Christopher, laking gulat niya raw nang malamang positibo siya sa COVID-19 dahil wala daw siyang lagnat.

"Wala akong fever. I would only take antihistamines to address the cold."

"Very shocking and unnerving."

Pagpanaw ng comedian na si Babajie, pinabulaanan ng kanyang pamilya

Sa kabutihang palad, negative ang kaniyang asawa na si Sandy sa sakit.

Habang nagpapagaling, walang tigil raw sa pagdarasal si Christopher, "I was praying 24/7, I watched iyong mga channels eh, mga pastok, priests. Everything that I can hang onto."

Si Sandy naman, walang tigil ang takot sa pag-aalala sa asawa.

Aniya, "I just cried and cried all night. I prayed to God."

Panoorin ang kabuuan ng interview dito:



KMJS: Paano nag-umpisang magpakilig sa TikTok si DJ Loonyo?