Showbiz News

Max Collins, first choice pa rin ang home birthing

By Dianara Alegre

Hindi pa rin nagbabago ang plano ni Kapuso actress Max Collins na isilang ang kanilang panganay ni Kapuso actor Pancho Magno sa pamamagitan ng home birthing.

Dalawang buwan na lang at kabuwanan na ng aktres at patuloy ang kanyang paghahanda para sa kanyang panganganak.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, inamin ni Max na maaaring ma-tense lamang siya sa kung sa ospital magsisilang dahil hindi puwedeng sumama sa delivery room si Pancho at dahil na rin sa banta ng COVID-19.

“Because I know that pagdating ko sa hospital, 'pag wala akong kasama sa delivery room and knowing the COVID-19 situation, I'll be tense and so anxious and I'm sure that mahihirapan ako,” aniya.

Max Collins considers water birth due to COVID-19 threat

Upang siguraduhing kakayanin ng katawan niya ang panganganak sa bahay, tuloy ang pag-e-ehersisyo at pangangalaga ni Max sa kanyang katawan.

“I'm just trying to educate myself on my options and on how to be very into with my body because pagdating ng araw, ayokong mataranta. I don't want to feel anxious about my decision to give birth at home,” aniya.

Kung hindi man masunod ang kanyang plano ay may backup plan naman umano siya.

“If all else fails naman, we have a backup option which is to rush me to the nearest hospital if I need a ceasarean [pregnancy] or extra house. My doula and my midwife, they are already in place,” dagdag pa ng aktres.

Alamin ang buong detalye sa 24 Oras report: