GMA Logo Mikee Quintos
What's Hot

Mikee Quintos, nadala ang irregular sleep schedule sa quarantine

By Marah Ruiz
Published June 23, 2020 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Kahit nitong quarantine, hindi pa rin naging regular and sleep schedule ni Mikee Quintos.

Isa raw sa mga habits na nadala pa rin ni Kapuso actress Mikee Quintos hanggang sa quarantine ang irregular sleeping schedule niya.

Nasanay siya dito kahit bago pa nagkaroon ng COVID-19 dahil pinagsasabay niya ang pag-aartista at pag-aaral.

"'Yun 'yung medyo hindi nagbago. 'Yun 'yung nadala ko from before ECQ (enhanced community quarantine) na sleeping patterns ko na hindi ko mabago bago. Siguro nasanay na rin kasi ako nang ganoon. Minsan dirediretso taping tapos babawi na lang ako ng tulog ng ibang araw. Ganoon din pagdating sa school. Nahirapan akong baguhin 'yun," kuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Minsan pa nga daw, mahigit isang araw siyang gising.

"May days na I just sleep the whole day. May days na I don't sleep at all. I'm awake for almost 30 hours, depende kung nasa mood ako," bahagi ni Mikee.

Hindi daw niya pinipilit ang sarili niyang matulog at hinahayaan niyang mapagod ang kanyang katawan.

"Kesa masayang 'yung ilang oras na naka higa lang ako at tina-try kong matulog, gamitin ko na lang 'yung oras na 'yun na maging productive ako. Nawalan ako ng paki sa kung anong oras ako natutulog. As long as hindi pa ko inaantok, I'm gonna finish what I can and be productive. Mas nagiging mahimbing din 'yung tulog ko 'pag ganoon kasi alam kong naging productive ako noong araw na 'yun at may mga natapos ako," aniya.

School work daw ang pinagkakaabalahan niya sa mga araw na ito. Matatandaang isang architecture student si Mikee sa University of Sto. Tomas.

"Deadlines are a big a factor of my sleep schedule. May times na three whole nights hindi ako natutulog. Sa three days, tulog ko lang doon minsan four hours or eight [hours maximum]. Pero after ng three days na 'yun, tulog ako for 14 hours or 15 hours," bahagi niya.

Alamin ang iba pang pinagkakabalahan ni Mikee ngayong quarantine sa eksklusibong video na ito:


Binalikan ni Mikee and ilang hobbies niya tulad ng pagtugtog at pagguhit para maibsan ang kanyang stress ngayong quarantine.


Bukod dito, naghahanda na rin siyang gumawa muli ng mga video para sa kanyang vlog.