GMA Logo Lexi Gonzales, Heart Evangelista, Janeena Chan
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at celebri-peeps, may hugot tungkol sa pag-ibig

By Kristine Kang
Published June 28, 2026 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SPECIAL COVERAGE: White Ribbon March | June 28, 2026
Cagayan's Rina Andrea Delos Santos is Miss Philippines Earth 2026
Meet the cast of 'Bongga Ka 'Day!: The Annie Batungbakal Musical'

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales, Heart Evangelista, Janeena Chan


Alamin ang mga opinyon ng celebrities at ng People ng 'The People Have Spoken' tungkol sa pag-ibig, dito!

Patuloy ang exciting questions at kuwentuhan sa bagong game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken!

Nitong Sabado (June 27), tila agad napuno ng hugot vibes ang studio sa unang tanong: "Naaawa lang ang dyowa mo sa 'yo kaya 'di ka niya maiwan. Itutuloy mo pa ba ang inyong relasyon?"

Para sa celebrity player na si Rayver Cruz, handa raw niya ipaglaban muna ang kanilang relasyon.

"Naisip ko kasi kung, kunwari, biglang mangyari na sana huwag," ani Rayver habang sinisilip ang kanyang partner na si Julie Anne San Jose.

"Lalaban ako, e. Lalaban ako. Ganoon ako magmahal."

Samantala, para kay Taskforce Firewall star Lexi Gonzales, mas pipiliin niyang bumitaw kung wala na talagang pag-asa ang relasyon.

"Ang sagot ko po, B, no, suko na ako. Bakit mo pa ipaglalaban kung wala na," sagot ni Lexi, na sinuportahan naman ng kanyang partner na si Kyline Alcantara.

Nagpatuloy ang hugot vibes sa game show nang ibahagi rin ng People at celebri-peeps ang kani-kanilang pananaw tungkol sa tanong.

"Sa recent ko po, nilaban ko naman po bago ko isuko," kuwento ng isang studio audience.

"Pero 'yung answer ko po ngayon is syempre no. Dahil doon pa lang po sa part na, bakit hindi mo na ako mahal? There's a lot of reason for you to mind that. We all know that love is blind, but we also have to know that kailangan din po natin magtira ng respect, even a little, para sa sarili natin."

Para naman kay celebri-peep Janeena Chan, sang-ayon din siya na mas mahalagang piliin ang self-love.

"Siyempre hindi na. Bakit pa ba? What is the point? Ang relationship, dapat nagmamahalan kayo. Hindi 'yung paawa-awa pa," opinyon ni Janeena.

Naniniwala naman si celebri-peep Tim Yap na may mga relasyong karapat-dapat pang ipaglaban.

"Alam mo, ang pag-ibig hindi 'yan overnight. Gradual 'yan, na sa araw-araw natutunan mong mahalin ang tao. Kaya ako, laban lang. Hindi lang ito pagkain na pagkatapos mong isubo, puwede mong idura nang ganun-ganun lang," hugot ni Tim.

Hindi rin nagpahuli sa hugot talks ang Kapuso host na si Heart Evangelista!

"Youth is wasted on the young. Kung ayaw sa'yo, leave. Huwag mo nang isayang 'yung pagkaganda at pagkabata mo. Tigilan na natin 'yan!" sagot niya.

Sa huli, nagwagi ang Team Kylex sa naturang round matapos mahulaan ang naging sagot ng People, na nakakuha ng 83% votes.

Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, kilalanin natin ang ating celebri-peeps sa gallery na ito: