GMA Logo heart evangelista
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at iba pang celebrities, may kanya-kanyang 'shopping tips'

By Kristine Kang
Published October 15, 2026 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: Adamson's Racela urges officials to review final play in loss to UP
Mga RHU, nakahanda sa pagdami ng mga pasyenteng tatamaan ng sakit | One North Central Luzon
Super Radyo DZBB, binigyan ng pagkilala ng Philippine Coast Guard

Article Inside Page


Showbiz News

heart evangelista


Ano ang gagawin mo kung naka-50% off ang sapatos na gustong-gusto mo? Alamin ang sagot ng celebrities at People sa The People Have Spoken!

Tila magkakapareho ang diskarte ng ilang celebrities pagdating sa shopping!

Noong Sabado (October 10), masayang sinagot ng mga People sa The People Have Spoken ang tanong kung ano ang gagawin nila kapag may 50% discount sa napakagandang pares ng sapatos na gustong-gusto nila. Bibilhin ba nila ito kaagad, pag-iisipan muna, o bibili lamang kung may ekstrang pera?

Walang pag-aalinlangan namang pinili ng Team MAXREA (Max Collins at Andrea Torres) at Team GLADGELU (Gladys Reyes at Angelu de Leon) ang unang choice sa tanong.

Para sa kanila, sayang ang 50% discount, kaya deserve nang bilhin ang sapatos na matagal na nilang gusto.

Ngunit para kay celebri-peep Baus Rufo, tila may proseso muna siyang pagdaraanan bago magdesisyon.

"Mag-iisip muna ako. Kailangan ko ba 'to? Alam ko 'yung sagot: Oo, kailangan ko. So, A, bibilhin ko siya," biro niya.

"Alam n'yo 'yang mga discount na 'yan, 'wag n'yo labanan 'yan. Sign 'yan from the Lord na deserve mo 'yan... Kung wala kang pangkain, okay lang. At least, maganda ka."

READ: Heart Evangelista at Baus Rufo, ayaw sa mga walang utang na loob na kaibigan

Sumang-ayon din sa kanya ang guest na celebri-peep na si Nicole Cordoves, na nagbigay pa ng nakatutuwang payo.

"Mag-A ka na, i-live sell mo pa 'yan para mabawi mo kaagad 'yung pinambili mo doon sa 50% off," nakatutuwang payo ng beauty queen.

Siyempre, hindi rin nagpahuli si Heart Evangelista sa pagbabahagi ng kanyang pananaw tungkol sa shopping.

"You know, once upon a time, somebody told me: 'Even if it's on sale, if you don't need it, it's expensive,'" aniya.

"Pero nagpapakatotoo lang naman ako. Bibilhin ko siya kasi matagal ko na siyang gusto. Parang nagpigil ako ng ganoon. I deserve it, 'di ba?"

Ngunit sa huli, walang nakakuha ng puntos sa mga nabanggit na pagpipilian dahil mas pinili ng People ang sagot na "bibili lang kung may ekstrang pera."

Huwag palampasin ang season finale ng game show na The People Have Spoken ngayong Sabado, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

Mapapanood din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at sa mga pahina ng YouLOL.

Para naman sa mga nanalo sa People Panalo Promo, silipin ang listahan ng mga nagwagi DITO.

Samantala, balikan ang nakakatuwang episode dito: