
Puno na kaagad ng exciting at challenging questions ang pilot episode ng GMA's original game show na The People Have Spoken!
Mula sa mga tanong tungkol sa pag-ibig hanggang sa relatable scenarios, game na game na nakisaya at ibinahagi ng 100 studio audience (The People) ang kanilang iba't ibang opinyon.
Isa sa mga tinanong sa unang rounds ay: "Dapat bang i-post sa social media ang pagtulong mo sa ibang tao o sa isang organisasyon?"
Bilang isa sa mga celebrities na aktibo sa paggawa ng outreach initiatives, ibinahagi rin ni Heart Evangelista ang kanyang sagot.
"For the longest time, no. Hindi kasi ako mahilig mag-post kasi ang iniisip ko kung ano ang tingin ni Lord ang tama, points ko na lang sa heaven. Sa afterlife ko lang iisipin," aniya.
"But, [as] we are also public figures, in a sense, it's good to create awareness for certain organizations. So from time to time, it's a yes."
Para sa ilang People, sumasang-ayon din sila na hindi dapat i-post ang ganitong mga programa.
"Honestly, noong binasa ko talaga 'yung tanong, nahirapan ako. Kasi puwedeng yes, puwede no," sagot ng isa sa audience.
"Bilang mahiyain, hindi ko kasi prefer na mag-post basta-basta. Katulad ni Ms. Heart, nakikita ko talaga na tumutulong siya pero hindi niya bino-broadcast. For me, it's a no."
Iba naman ang opinyon ng isa sa celebrity-peeps na si Joy Barcoma.
"Dapat nating i-post 'yung mga pagtulong natin sa social media, pero with an exception. Hangga't maaari, mag-post tayo nang hindi natin pinapakita 'yung itsura o kalagayan ng mga tinutulungan natin. Kasi somehow, it's a form of exploitation," paliwanag niya.
"Kasi kung ako rin naman ang tutulungan, ayoko pinopost 'yung pagmumukha ko at binabalandra na nangangailangan ako ng tulong. So yes, dapat natin siyang i-post kung ang goal natin is to inspire [and help] other people. Pero no to posting if ang goal lang natin is to cloutchase."
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang full episodes sa GMANetwork.com at YouLOL official pages.
Silipin ang behind-the-scenes ng The People Have Spoken pilot episode sa gallery na ito: