
May dagdag na saya at excitement sa pinakabagong original game show ng GMA na The People Have Spoken.
Kasama ang bagong Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas, makikisaya rin tuwing weekend ang ating tinatawag na celebri-peeps!
Sila ang mga opinionated guest celebrities na magbabahagi ng kanilang diverse, candid, at madalas nakakatawang opinyon kasama ang 100 studio audience members (The People) tungkol sa iba't ibang paksa at isyu.
Para sa darating na pilot episode, makakasama natin ang unang celebri-peep pair na handang maghatid ng opinyon at good vibes sa studio.
Makikikulitan ngayong Sabado ang unfiltered podcaster at stand-up comedian na si Baus Rufo kasama ang beauty queen, host, at environmental advocate na si Joy Barcoma!
Humandang manalo dahil dito ang "POV mo, panalo," sa The People Have Spoken, simula ngayong June 6, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA!
Samantala, silipin ang fun-thrilling highlights ng The People Have Spoken media conference sa gallery na ito: