GMA Logo Heart Evangelista at Sean Lucas
What's on TV

Heart Evangelista at Sean Lucas, abangan bilang hosts ng newest Kapuso game show na 'The People Have Spoken'

By Kristine Kang
Published May 26, 2026 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2026 Palarong Pambansa: Whether gold or bronze, hurdler Angel Villagracia remains gracious with every podium finish
24 Chinese nabbed for alleged illegal employment, immigration violations
Crema de Fruta recipe for a sweet summer reprieve

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista at Sean Lucas


Samahan ang ating newest Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas sa 'The People Have Spoken' tuwing Sabado, simula June 6!

Handa na ang ating newest Kapuso tandem na pakinggan ang boses ng publiko sa pinakamalaki at pinakabagong game show ng GMA, ang The People Have Spoken!

Nitong Lunes (May 25), masayang ipinakilala ni Boy Abunda ang bagong hosts na magpapasaya sa atin tuwing Saturday night!

"I'm very excited to officially announce na si Heart Evangelista ang host ng newest original Pinoy game show na The People Have Spoken," ani Tito Boy. "First time mag-host ni Heart ng game show. Ayon sa kanya, handa na siyang makipaglaro, makipagkulitan, at ibahagi ang sariling views sa mga tanong."

Hindi lang si Heart ang mamimigay ng premyo at saya dahil kasama rin niya ang isa sa mga quick-witty young Kapuso stars.

"Makakasama ni Heart mag-host ang Sparkle actor na si Sean Lucas. I am so proud. Ayon kay Sean, hindi siya makapaniwala na siya ang napili to co-host with Heart after going through an audition," sabi ni Tito Boy.

"Alam n'yo po si Sean is one of my students in hosting. He's a very smart and opinionated young man. Kaya I think bagay sa kanya ang show na ito."

Sa The People Have Spoken, kailangang mapulsuhan ng celebrity contestants ang opinyon ng 100 studio audience tungkol sa iba't ibang paksa at issues para manalo.

Kasama sina Heart at Sean, abangan din ang panibagong twist ng saya, kulitan, at energy sa game show na kung saan “POV mo, panalo!”

Huwag palampasin ang The People Have Spoken, every Saturday simula June 6, 6:15 p.m., sa GMA.