GMA Logo Sheryl Cruz, vina morales, Heart Evangelista
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at Vina Morales, napakilig sa usapang TOTGA

By Kristine Kang
Published August 16, 2026 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Visayas grid to be placed on yellow alert on Aug. 16, 2026
Kadayawan 2026: The GMA Regional TV One Mindanao Special Live Coverage
Bianca Umali's 'Simply, B' podcast reaches Top 10 of Spotify's Top Podcast

Article Inside Page


Showbiz News

Sheryl Cruz, vina morales, Heart Evangelista


Sino kaya ang "the one that got away" nina Heart Evangelista at Vina Morales?

Nag-enjoy muli ang mga Kapuso sa usapang pag-ibig sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken.

Nitong Sabado (August 15), napa-react ang People nang tanungin sila, "Sino ang pinakamahirap kalimutan: taong nanloko sa iyo, taong hindi napasa'yo, o ang iyong first love?"

Bago pa man alamin ang sagot ng celebrity pairs, tinanong kaagad ni Sean Lucas ang opinyon ni Heart Evangelista.

"Unang-una sa lahat, madaling kalimutan ang taong nanloko sa'yo kasi binigay mo 'yung 100 percent mo, e. Kapag ako ang nagmahal, talagang binibigay ko. So 'pag tapos na, tapos na. Wala na talaga. Kapag nawala na siya, wala na," aniya.

Pero tila nahirapan pumili ang Kapuso host sa “taong hindi napasayo” at “first love.”

"So, para sa akin, mahirap kalimutan ang... parang dalawa kasi 'yun e. Kasi 'yung first love mo o 'yung great love mo, not necessarily kayo ang- that's life! You don't necessarily end up with your great love or your first love."

Sa huli, pinili ni Heart ang “taong hindi napasayo” bilang pinakamahirap kalimutan.

"Wait lang, may tanong kaming tatlo, Heart. Sino 'yun?" sabay tanong ni Sean at celebri-peeps Joy Barcoma at Baus Rufo.

Ang hirit ni Heart, "Masyado nang lalaki ang ulo niya. 'Di 'ko sasagot. Sobra na."

READ: Heart Evangelista at Sean Lucas, gigil sa ideyang mag-jowa ang ex at best friend

Para naman sa Team JANELLI (Janice at Gelli de Belen), ang “taong nanloko” ang napulsuhan nilang sagot ng People.

Pabirong nilinaw ng magkapatid na “in general” ang kanilang basehan.

"Sa letter C kasi 'yung first love, eventually makakalimutan mo na 'yan. Kasi kapag dumating 'yung next love, makakalimutan mo talaga," paliwanag ni Gelli.

"'Yung taong hindi napasayo, alangan aalahanin mo hindi nga napasayo. Wala kayong memories. Pero 'yung taong nanloko sa'yo,galit ka e."

"At tsaka para hindi mo na ulitin ulit. Dapat tandaan mo 'yan!" dagdag ni Janice.

READ: Janice at Gelli de Belen, naniniwala ba sa second chance sa pag-ibig?

Ngunit para sa Team VISHER (Vina Morales at Sheryl Cruz), sang-ayon sila sa sagot ni Heart.

"'Yung taong nanloloko sa'yo, puwedeng maraming manloko sa'yo sa buhay mo. So, we chose taong hindi napasayo kasi masakit 'yun. Kasi 'yun 'yung mahal mo," paliwanag ni Vina.

Hindi naman mapigilang kiligin sina Heart at Team VISHER habang inaalala nila ang kanilang TOTGA, o “the one that got away.”

READ: Vina Morales at Sheryl Cruz, ayaw sa sampalan?

Nang muling tanungin nina Sean at celebri-peeps kung sino ang kanyang tinutukoy, hindi mapigilang humiyaw sa kilig si Vina.

"Kahit hanggang ganitong kilig, di ba? Kaya dapat hindi talaga kinakalimutan 'yung mga TOTGA kasi minsan kailangan mo rin lagnatin, kiligin," masayang sinabi ni Heart.

Sa huli, nakapasok ang Team VISHER sa bonus round dahil 37 percent ng People ang bumoto sa “taong hindi napasayo.”

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

Samantala, balikan dito ang contract signing highlights ni Heart Evangelista: