What's on TV

Heart Evangelista, binigyan ng designer bags ang kanyang team noong Pasko

By Jansen Ramos
Published January 7, 2025 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

heart evangelista with her team


Binigyan ng tigi-tigisang Hermes bag ng Global Icon na si Heart Evangelista ang kanyang team noong Pasko, "They deserve the best. They really picked me up during my toughest times."

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng team ni Heart Evangelista matapos silang sorpresahin ng Global Icon ng mamahaling regalo noong Pasko.

Nakatanggap ng tigi-tigisang Hermes bag ang makeup artist na si Memay Francisco, stylist na si Iza Sim, at Sparkle assistant manager na si Ira Lesaca mula sa Sparkle artist.

Kwento ni Heart sa limited reality series niyang Heart World, maging siya ay na-excite sa kanyang regalo kaya bago pa man mag-Pasko ay ibinigay na niya ang luxury bags sa kanyang trusted team.

Aniya, "Dapat sa Christmas, 'di ko na talaga matiis e. Saka 'di ko na mapigilan kasi ang tagal kong sinource out. 'Di ako basta-basta bumibili, kailangan according to their personality na sulit na mapunta sa kanila. And thankful ako na lahat ng naging friends ko sa industriya na mga sellers, they gave me a good discount kasi sabi ko, 'guys, this isn't for me.'"

Ayon sa Kapuso star, paraan niya ito para pasalamatan ang kanyang team para sa kanilang serbisyo.

"I honestly want kung anong meron ako, gusto ko lahat kami meron, 'di ba? Ayoko naman 'yung [ako lang]. Lahat naman tayo nagwo-work hard. Kung keri, e 'di go."

Bukod sa kanyang core team na kasa-kasama niya sa Fashion Week events at sa iba pa niyang engagements, nagpaulan din ng mamahaling raffle prizes sa iba pa niyang kaibigan sa industriya na naging parte ng kanyang career sa kanilang annual Christmas party.

Ika ni Heart, tradisyon na niya ito bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nakasama niya nang ilang taon.

"I always set aside a certain amount na each year, 'yun 'yung ina-allot natin para sa pa-raffle and it's always so hard. Sa totoo lang, 'yang raffle na 'yan, lagi akong nagdarasal. Minsan sa sobrang stressed ko, ayoko nang bumunot. Ang importante, everybody goes home happy na meron kahit papaano."

Sabi pa ni Heart, hindi lang pang trabaho ang kanilang pagkakaibigan dahil on a personal level na ang kanilang samahan. "They deserve the best. They really picked me up during my toughest times."

Panoorin ang episode ng Heart World sa video sa itaas.