
Patuloy ang excitement ngayong weekend para sa pinakabagong GMA original game show na The People Have Spoken.
Tiyak na more tawa, more saya ang hatid ng programa tuwing Saturday nights kasama ang newest Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Sa Instagram, handang-handa na raw si Heart para sa kulitan at kuwentuhan sa naturang game show.
Sa kanyang post, masaya niyang ipinakita ang ilang behind-the-scenes moments sa pilot episode na mapapanood ngayong Sabado.
Mula sa backstage hanggang sa mismong studio, kitang-kita ang passion at excitement ni Heart para sa kanyang unang hosting stint sa isang game show.
"Equal parts excited and grateful " aniya sa captions.
Makakasama rin nina Heart at Sean sa premiere ang unang celebri-peeps na sina Joy Barcoma at Baus Rufo.
Abangan ang The People Have Spoken tuwing Sabado simula June 6, 6:15 p.m., sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com.
Samantala, silipin ang iba pang behind-the-scenes ng The People Have Spoken pilot episode sa gallery na ito: