GMA Logo Heart Evangelista
What's Hot

Heart Evangelista, game sa 'Ang Tanging Ina' reunion movie

By Jimboy Napoles
Published June 10, 2024 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista


Heart Evangelista sa 'Ang Tanging Ina' reunion: “Marami nang narating ang kaartehan ni Portia.”

“Oo naman.” Ito naman ang game na game na sagot ng Kapuso star at Global Fashion Icon na si Heart Evangelista sa tanong kung game ba siya sakaling matuloy ang Ang Tanging Ina reunion movie.

Matatandaan na si Heart ang gumanap na Portia, ang ikaapat na anak ni Ina Montecillo played by Ai Ai Delas Alas sa nasabing iconic comedy movie noong 2003.

Kamakailan, lumabas ang balitang nakikipag-usap na si Ai Ai sa kaniyang mga co-stars noon kung payag ba sila na magkaroon ng bagong bersyon ang kanilang blockbuster movie.

Noong Biyernes, June 7, tinanong ng GMANetwork.com si Heart kung game ba siya sa napipisil na reunion movie.

Sagot niya, “Yes! Marami nang narating si Portia sa kaniyang kaartehan.”

Ayon kay Heart, aware siya na trending pa rin hanggang ngayon ang eksena nila nina Nikki Valdez at Alwyn Uytingco sa nasabing movie kung saan pinag-aawayan nila ang debut ng karakter niya na si Portia.

“Yes… natuloy naman din siya sinabunutan nila ako and all that pero natuloy, natuloy ang debut ni Portia,” nakangiting sinabi ni Heart.

Samantala, naghahanda na rin ngayon si Heart para sa kaniyang mga gagawin bilang bagong Presidente ng Senate Spouses Foundation Inc..

Aniya, “Well I really have to study the Senate Spouses Foundation Inc., I needed to study thoroughly kung anong mga naging project nila and basically it's us continuing what they have done, updating what they have done like infrastructures, facilities, so babalikan namin lahat yun.

Dagdag pa ni Heart, “But at the same time, we wanted new things again, I'm kind of OC (over-conscious) when it comes to my work. Although this is not really work because it's a foundation, it's from the heart. Binigay naman din siya so siguro sabi ni Lord, it's time to work and give back.”

Nang tanungin naman si Heart kung binibigyan ba siya ng payo ng kaniyang mister at bagong Senate President na si Senator Chiz Escudero tungkol sa kaniyang bagong political role, ito ang kaniyang naging sagot, “A little bit. But then parang busy din siya but I always ask his guidance.”

Ayon pa sa aktres at fashion icon, masaya siya na pinagkakatiwalaan siya ni Sen. Chiz sa mga bagay na kaniyang ginagawa.

“But what's nice is that I feel good that he trusts me with what I want to do, if I want to tap on certain projects na may sustainability, stuff like that. I asked him about you know how I'll do it but just like advice pero nakakayanan naman,” nakangiting sinabi ni Heart.

Kamakailan ay inanunsiyo rin na pang-apat si Heart sa Top 20 global celebrities in fashion and sportswear ng isang fashion report ng isang cloud-based performance benchmarking software.

Kabilang din sa sa listahan ang ENHYPEN at NCT, pati na rin sina Dua Lipa, Becky G, Dwayne Johnson, at It's Showtime host Anne Curtis.