
Patuloy ang tawanan at kuwentuhan tuwing Saturday night kasama ang GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!
Bukod sa mga kapana-panabik na papremyo, inaabangan din ng mga Kapuso ang high-energy na kulitan ng mga host na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Mula sa kanilang nakakatawang banter hanggang sa mga candid na opinyon, masayang napapanood ng viewers ang fun chemistry ng Kapuso duo sa telebisyon.
Hindi lang ang fans ang nag-e-enjoy sa programa, kundi ang mga mismong hosts!
Sa isang panayam sa 24 Oras, labis daw na nag-e-enjoy si Heart na ipakita ang kanyang bubbly side at makipagkulitan kasama si Sean.
Kuwento nga niya, mas naging malapit pa sila sa isa't isa, hindi lamang sa harap ng kamera.
"Hindi na kami taping friends (lang)," aniya.
"Nagkikita kami sa labas, nag-di-dinner 'yan sa bahay. He also had Sunday dinner with me. So it's nice kasi we have a really good friendship and rapport, and I enjoy."
Sa mga nagdaang episode, kitang-kita rin ng viewers ang closeness ng dalawa. Lalo na sa mga biglaang hot seat questions ni Heart kay Sean.
"Matalino siyang tao, so hindi siya mahirap kabatahuan. Kasi gets ko siya, gets niya 'ko. Tapos ang talino niya," sabi ni Heart sa isang panayam noong June.
Patuloy na mapapanood ang kulitan at papremyo nina Heart at Sean sa The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, huwag palampasin ang The People Have Spoken ngayong Sabado (August 1) para sa pagkakataong manalo ng cash prize sa People Panalo Promo.]
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Samantala, balikan ang fun 'What If?' challenge nina Heart Evangelista at Sean Lucas dito: