GMA Logo Heart Evangelista
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista, mas pinipili ang ugali kaysa sa yaman ng kasintahan

By Kristine Kang
Published June 22, 2026 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Mabini-Cayacay irrigation project to aid over 700 farmers in Bohol
Woman nabbed for allegedly killing own baby in Digos
Reina Hispanoamericana to allow single mothers to compete in 2027

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista


Heart Evangelista sa kanyang sagot: 'Kaya kong mabuhay. Maganda naman ako...Kaya kitang buhayin.'

Patindi nang patindi ang hugot vibes at nakaaaliw na kuwentuhan sa bagong game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.

Nitong Sabado (June 20), tila nauwi ang usapan sa mga rebelasyong pag-ibig nang tinanong kung ano ang mas mahalagang basehan sa pagpili ng magiging dyowa.

Para sa Team ChanSu (Chanty Videla at Sugar Mercado), ugali ang kanilang napiling sagot.

"Galing ako sa mayaman, hindi naman nag-grow. Charot! 'Di joke lang!" pabirong sabi ni Sugar.

Samantala, yaman naman ang pinili ng Team Kebab na sina Kevin Montillano at Euleen "Yobab" Castro.

"Okay lang loko-lokohin basta mayaman ka naman," biro ni Kevin.

"Okay lang umiyak sa yate kaysa sa bus," dagdag ni Euleen.

Agad itong sinabayan ng hirit ni Sugar.

"Sa yate ang gusto mo? Ayoko na doon. Joke lang. Joke lang," aniya, na nagpahiyawan sa studio audience.

Mas naging masaya pa ang usapan nang magbahagi rin ng kanyang opinyon si Heart Evangelista.

"Kasi dati...charot! Ako totoo lang ugali," aniya.

"Kung masama naman 'yung ugali niya, boogie wonderland ka ta's ang dami niyang pera, parang ayoko na lang. Kaya kong mabuhay. Maganda naman ako. Tama ang sinabi mo, Ms. Joy (Barcoma), kaya kitang buhayin," paliwanag niya.

Lalo namang naaliw ang audience nang magbahagi si Heart ng kanyang dating karanasan sa pag-ibig.

"You know, before meron ako'ng dinate. Kahit nakakubo lang kami…" kuwento niya bago napatili at mapatawa ang lahat sa studio.

Sa pagtatapos ng round, nakakuha ng puntos ang Team ChanSu matapos piliin din ng 50% ng People ang sagot na "ugali."

Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!

Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.

Balikan ang nakakatuwang pilot episode ng The People Have Spoken sa gallery na ito: