
Tinanong ni Heart Evangelista ang Team MIKWILL (Mika Salamanca at Will Ashley) tungkol sa bagay na matagal nang gustong malaman ng kanilang fans.
Nitong Sabado (August 1), nagharap ang Delivery Boi stars at Team EDSHAI (EA Guzman at Shaira Diaz) sa GMA comedy game show na The People Have Spoken.
Sa umpisa pa lang ng programa, naghanda na si Heart ng isang hot seat question para sa Team MIKWILL.
"Kaya n'yo bang magtapatan sa pakiligan dito sa mag-asawang (Team EDSHAI) 'to?" tanong ni Heart.
"Kayang-kaya," sagot ni Will, na ikinatuwa ng People sa studio.
"I feel some kind of tension in the situation. Kayo ba?" biro pa ni Heart.
Tila nagulat ang Team MIKWILL sa tanong.
"Kami po...kami po 'yung maglalaro today," patawang sagot ni Mika.
Bilang dagdag na katuwaan, hiniling ni Heart na magtitigan muna ang dalawa sa loob ng ilang segundo.
Game namang pinagbigyan nina Mika at Will ang hiling ng host, na naghatid ng kilig vibes sa mga manonood.
"I feel something there!" masayang sabi ni Heart habang kinikilig sa dalawa.
Bago simulan ang unang round, nagbigay muna sina Heart at Sean Lucas ng tips sa celebrity pairs.
"Ang tip ko lang sa ating dalawang teams. Kapag nahirapan kayo sa tanong, tandaan n'yo lang ang sabi sa isang kanta: 'Love is the answer,'" ani Heart.
"Magmahalan lang tayo today," dagdag naman ni Sean.
Subaybayan ang The People Have Spoken, ngayong Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. at Kapuso Stream.
Available rin ang full episodes at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sumali, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: