
Tila may dalang hugot si Heart Evangelista sa isa sa mga tanong sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken!
Nitong Sabado (August 22), naging candid ang mga celebrity at People sa pagsagot sa tanong na: "Kapag may matinding problema, ikaw ba 'yong tipo ng tao na nagsasabi agad sa iba o sinasarili na lang?"
Para sa Team DINOOKY (Dina Bonnevie at Snooky Serna), mas pipiliin nilang isarili ang problema dahil sa Diyos muna raw sila lumalapit.
Pareho rin ang sagot ng Team WINAHTI (Winwyn Marquez at Ahtisa Manalo) dahil paliwanag ni Ahtisa, "If I can solve it first, i-solve ko muna. 'Pag hindi na kaya, saka ako lalapit sa mga loved ones ko."
Ngunit para sa celebri-peep guest na si Poca, mas pipiliin niyang magsabi agad sa iba.
READ: Poca, nakisaya bilang celebri-peep guest sa 'The People Have Spoken'
"Meron tayong kasabihan na 'No man is an island...because we are an archipelago!'" biro niya.
"Kapag kinikimkim mo 'yung isang bagay, naiipon at naiipon, that could also lead to a mental health problem. It's better to share to others, so long as you are sharing it to the people you truly trust with. Kasi may mga tao na kaibigan sa harap mo, pero gustong-gusto bumabagsak ka."
Tila todo sang-ayon naman si Heart sa celebri-peep, na may personal na hugot tungkol dito.
"Kasi ako dati, lagi ko na lang kini-keep sa sarili ko. Tapos noong sumabog ako, I opened up to the wrong people. Ang ending, siyempre, iba naman 'yung buhay... na ginamit 'yun para alam mo 'yan...," paliwanag ni Heart bago patawang naging emosyonal sa stage.
"I think it's very important that you speak to the right people. It's either your mom, a therapist, or people that's like blood-connected. Iba pa rin 'yung talagang pinagkakatiwalaan mo kasi sometimes friends aren't really what you think they are," sabi niya.
Ngunit masayang dagdag ni Heart sa kanyang co-host, “Except you, Sean!”
READ: Heart Evangelista, mas naging close kay Sean Lucas dahil sa 'The People Have Spoken'
Sa naturang round, parehong nakakuha ng puntos ang celebrity pairs dahil 63 percent ng People ang bumoto rin sa “sinasarili na lang.”
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.
Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.
Samantala, panoorin ang behind-the-camera friendship nina Heart Evangelista at Sean Lucas sa online exclusive na ito: