GMA Logo Heart Evangelista
Photo by: Gerlyn Mae Mariano, iamhearte (IG)
What's Hot

Heart Evangelista, nagpaabot ng dasal para sa mga biktima ng lindol

By Kristine Kang
Published June 10, 2026 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OPINION: The new independence movement is on two wheels
From School Supplies to Safe Learning Spaces: GMA Kapuso Foundation Helps Shape Future of Filipino Schoolchildren
Mister Eco International crowns winner tomorrow

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista


May madamdaming mensahe si Heart Evangelista para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Patuloy ang pagtulong at dasal ng netizens para sa mga naging biktima ng kamakailang malalakas na lindol sa mga bayan ng Mindanao.

Mula sa pagbibigay ng donasyon hanggang sa pagbabahagi ng madamdaming mensahe online, dagsa ang suporta at bayanihan ng lahat sa iba't ibang parte ng mundo.

Kabilang na rin ang ilang celebrities na nag-abot ng kanilang mga dasal para sa mga nasalanta ng lindol.

Isa sa mga nag-post ay ang The People Have Spoken host na si Heart Evangelista, kung saan ibinahagi niya ang kanyang mensahe para sa mga kababayan sa Mindanao.

"Heartbroken by the news of the recent earthquake,"aniya sa kanyang Instagram Story.

"Sending prayers to everyone affected. Please stay safe, take care of one another, and look out for your loved ones and pets."

Photo by: iamhearte IG

Ayon sa Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang 7.8 magnitude na lindol noong June 8, 7:37 a.m. na may offshore epicenter sa 32 kilometers west ng Maasim, Sarangani.

Samantala, sinuspinde ang mga klase at isinara ang mga mall sa ilang lugar dahil sa epekto ng malakas na lindol.

Balikan ang mga mensahe ng ilang celebrities para sa mga biktima ng noong lindol sa Cebu, dito: