
Sa interview with Arnold Clavio, naikuwento ni Heart kung paano nga ba makikita ang iyong "Jagiya."
Ang "Jagiya" ay isang Korean word na puwedeng ibig sabihin ay "honey, darling, or sweetie," isang common na tawagan ng couples sa Korea. Derived din ito sa word na "Jagi" na ibig sabihin naman ay "self," kaya parang tinatawag mo na extension ng sarili mo ang "Jagiya" mo.
Ani ng aktres, "Alam mo kasi para sa akin, ang pag-iintay minsan masyado natin minamadali. Masyado nating [iniisip], 'Nasaan ba siya? Kailan ko ba makikita 'yung magandang magandang nilalang na 'yan. O guwapong ka-meant to be ko na 'yan.' Pero ang hindi natin naiisip, kailangan maghanda na tayo ngayon pa lang."
Paliwanag niya, "Kasi ang destiny, destiny nga 'yan, naka-schedule na 'yan. 'Yung sa amin August 21 na po, sa Monday natapos na so salamat sa pagpanood [ng My Korean Jagiya]. Pero ibig sabihin ang destiny ay destiny, nakahanda na 'yan para sa iyo. So, habang naghihintay, ihanda n'yo na ang sarili n'yo para doon sa taong parating. Huwag n'yo madaliin kasi baka hilaw. Worth the wait [iyan]."
Subaybayan si Heart Evangelista bilang si Gia at ang kanyang magiging "Jagiya" sa My Korean Jagiya!