
Usapang pag-ibig ulit ang hinarap ng People sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!
Unang round pa lang noong Sabado, September 5, tila may hugot kaagad ang mga celebrity sa tanong na: "Mas gusto mo bang makipag-date sa taong wala pang nagiging dyowa o meron nang naging dyowa?"
Para kay Sanya Lopez, “first love never dies,” kaya mas nais niyang umibig sa taong wala pang naging jowa.
READ: Sanya Lopez, sweldo o bebe time?
Samantala, para kay Donita Nose, mas pipiliin niyang makasama ang taong may karanasan na para mas ma-guide ang kanilang relasyon.
Sa isang YouLOL exclusive, may sariling sagot din ang Kapuso host na si Heart Evangelista sa naturang tanong.
READ: Heart Evangelista at Vina Morales, napakilig sa usapang TOTGA
Para sa bubbly host, masarap nga umibig sa first love. Gayunpaman, mas pipiliin pa rin niya ang taong nagkaroon na ng jowa noon.
"I will keep the memories, but I shall choose to live in the reality. Because minsan, 'pag first love yung pinili mo, parang imposible. O, pwede namang posible na siya rin yung makakatuluyan mo," paliwanag niya.
"You have to accept the fact that you will be the hardest lesson for each other. So yung totoo talaga, reality-wise, ako 'yung meron nang naging jowa kasi 'yun talaga 'yung magtatagal eh."
Sa naturang round, nakakuha ng puntos sina Sanya Lopez at Kakai Bautista (Team SanKai), kung saan 70% ng People ang bumoto rin sa “wala pang nagiging jowa.”
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.
Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.
Samantala, balikan ang full episode ng Team SanKai vs. Team DoniTay, dito: