
Gitgitan ang magiging labanan ngayong weekend sa original game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.
Ngayong Sabado (July 4), humanda muling makipagkulitan at makipagkuwentuhan kasama ang fresh Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Abangan din ang tense yet fun na tapatan ng mga bagong celebrity pairs na susubukang pulsuhin ang boses ng People.
Mag-enjoy sa lovable tandem ng Team AshRox, na sina Ashley Ortega at Roxie Smith mula sa dating primetime drama series na Hearts on Ice.
Kilig ay 'di maiiwasan naman sa Team ZephChael, na sina Zephanie at Michael Sager mula sa afternoon prime drama na Born to Shine!
Humanda rin maging solid ang tawanan at kuwentuhan kasama ang viral at opinionated celebri-peeps na sina Baus Rufo at Joy Barcoma!
Sino kaya sa ating celebrity pairs ang mag-uuwi ng PhP 200,000?
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Kilalanin natin ang ating celebri-peeps sa gallery na ito: