GMA Logo Hearts On Ice
What's on TV

'Hearts On Ice' cast, kumasa sa 'Palengke Challenge' sa Balintawak market

By Aimee Anoc
Published March 19, 2023 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Hearts On Ice


Panoorin ang nakatutuwang "Palengke Challenge" ng cast ng 'Hearts On Ice' dito.

Game na game na kumasa ang cast ng Hearts On Ice na sina Ashley Ortega, Kim Perez, Roxie Smith, Shuvee Etrata, Ella Cristofani, at Lei Angela sa "Palengke Challenge" sa Cloverleaf Market sa Balintawak, Quezon City.

Bago magsimula ang challenge, isa-isang bumunot ng ampaw ang cast na naglalaman ng budget na magagamit nila sa pamamalengke, mula sa PhP105 hanggang PhP120. Kinakailangang makaisip ang bawat isa sa kanila ng lulutuin na masustansya, masarap, at pasok sa nakuha nilang budget.

Nasubok ang husay ni Ashley sa pamamalengke na nakakuha ng PhP106 na budget, na ibinili niya ng bangus, itlog, at talong.

Ibinili naman ni Kim ang nakuha niyang PhP110 na budget ng pakbet at gata ng niyog na gagamitin niya sa lulutuing ginataang pakbet.

Masaya rin na nakumpleto ni Roxie Smith ang challenge kung saan ibinili niya ng tokwa, pipino, kamatis, at sitaw ang nakuhang PhP120 na budget.

Ginisang petchay naman ang naisip na lutuin ni Ella Cristofani sa PhP110 na nakuha niya.

Patuloy pa rin sa taping ang cast ng kauna-unahang figure skating series ng bansa, sa pangunguna ng lead stars nitong sina Ashley at Xian Lim.

Subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: