GMA Logo Ashley Ortega and Xian Lim
What's on TV

Ashley Ortega at Xian Lim, ibinahagi kung bakit dapat abangan ang 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 12, 2023 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega and Xian Lim


Pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim ang Philippines' first-ever figure skating series na 'Hearts On Ice,' na mapapanood na ngayong March 13 sa GMA Telebabad.

Simula March 13, mapapanood na ang inaabangang figure skating series na Hearts On Ice, na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.

Ang Hearts On Ice ang kauna-unahang figure skating series ng bansa, na tatalakay sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro na maging isang matagumpay na figure skater.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Ashley at Xian kung bakit nga ba dapat abangan ng manonood ang Hearts On Ice.

“Marami. It's not just about figure skating. It's about love, it's about family, it's about chasing your goals. Persevering that even though you fail in life, you should always know how to recover, move on, and keep going," sabi ni Ashley.

Para naman kay Xian, bukod sa ito ang unang tambalan nila ni Ashley, dapat ding abangan ng lahat ang magandang kuwento ng Hearts On Ice.

“It's a first attempt sa Philippine television to have this type of teleserye to revolve around [figure] skating," pagbabahagi ng aktor.

Dagdag niya, “Aside from being a fresh team-up, I guess abangan nila 'yung kuwento because hindi lang ito about a boy and a girl falling in love. It's more than that, mas malalim pa roon. It's a family story, it's when you're feeling down and when you feel like all is lost. This is the perfect show to watch to keep you going."

Sa Hearts On Ice, gaganap si Ashley bilang Ponggay. Kahit na may kapansanan, susubukin niyang abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang figure skating champion.

Makikilala naman si Xian bilang Enzo, cold-hearted at may pagka-arogante. Mula sa mayamang pamilya na matututong magsakripisyo at magtiwalang muli dahil kay Ponggay.

Makakasama nila sa serye ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice dito:

TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG HEARTS ON ICE CAST MULA SA KANILANG MEDIA CONFERENCE DITO: