
Sa unang linggo ng Hearts On Ice, nasaksihan kung paano nabuo ang pangarap ni Ponggay (Arhia Faye Agas) na maging isang figure skater tulad ng inang si Libay (Amy Austria), na isa noon sa mahuhusay na figure skaters ng bansa.
Hindi man nakuha ang buong suporta ng ina sa pangarap na maging isang figure skater, buo ang loob ni Ponggay na muling buhayin ang naudlot na pangarap ni Libay na maging isang kampeon.
Tutol si Libay sa pagpasok ni Ponggay sa mundo ng figure skating dahil, una, may leg impairment ang anak at maaaring tuluyan na itong mapilay. Pangalawa, ayaw niyang maranasan ni Ponggay ang kabiguang sinapit niya noong traydurin ng kaibigang si Yvanna (Lianne Valentin).
Ano kaya ang naghihintay sa unang laban ni Ponggay sa figure skating? Magawa kaya siyang suportahan ng ina at maipanalo ang laban?
Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
Balikan ang mga eksena sa Hearts On Ice:
Hearts On Ice: Full Episode 1
Hearts On Ice: Full Episode 2
Hearts On Ice: Full Episode 3
Hearts On Ice: Full Episode 4
Hearts On Ice: Full Episode 5
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: