GMA Logo Hearts on Ice
What's on TV

'Hearts on Ice' nina Ashley Ortega at Xian Lim, mapapanood na sa GTV

By Aimee Anoc
Published September 22, 2025 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Public school teacher, natagpuang patay at may mga saksak sa bakanteng lote sa Eastern Samar
NIR cop in hot water for alleged extortion
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

Hearts on Ice


Simula ngayong Lunes, mapapanood na ang figure skating series na 'Hearts on Ice' sa GTV.

Muling mapapanood sa GTV ang kauna-unahang Filipino figure skating drama series na Hearts on Ice, na tumatalakay sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro na maging isang kampeon.

Bibida sa Hearts on Ice sina Ashley Ortega bilang Ponggay at Xian Lim bilang Enzo.

Susubukan ni Ponggay na abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater. Sa pag-abot sa pangarap, makikilala niya ang cold-hearted na si Enzo, mula sa mayamang pamilya na matututong magsakripisyo at magtiwalang muli sa kanyang sarili dahil kay Ponggay.

Makakasama nina Ashley at Xian sa inspiring series ang batikang mga aktor na sina Amy Austria (Libay), Rita Avila (Yvanna), Tonton Gutierrez (Gerald), Lito Pimentel (Ruben), Ina Feleo (Coach Wendy), at Cheska Iñigo (Vivian).

Mapapanood din sa serye sina Roxie Smith (Monique), Kim Perez (Bogs), Skye Chua (Sonja), at Shuvee Etrata (Kring-Kring).

Ang Hearts on Ice ay mula sa direksyon ni Direk Dominic Zapata.

Abangan ang Hearts on Ice, simula ngayong Lunes, September 22, 5:45 p.m. sa GTV bago ang 24 Oras.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: