GMA Logo hearts on ice
What's on TV

'Hearts on Ice' viewers, nalungkot sa pagkamatay ni Tatay Ruben

By Aimee Anoc
Published June 16, 2023 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

hearts on ice


Huwag palampasin ang pinakamalaking laban ni Ponggay sa World Figure Skating Championships sa huling gabi ng 'Hearts On Ice.'

Maraming manonood ang nalungkot at nadala sa madamdaming eksena nang biglaang pagkawala ni Tatay Ruben (Lito Pimentel) sa Hearts On Ice.

Napuno ng mabibigat na eksena ang episode 67 ng Hearts On Ice noong Huwebes, June 15, nang ipag-utos ni Yvanna (Rita Avila) na sagasaan ang pamilya ni Ponggay (Ashley Ortega), kung saan agad na nailigtas ni Ruben ang kanyang mag-ina. Muling isinisi ni Yvanna ang traumatic na nangyari sa anak kay Ponggay at sa pamilya nito.

Nag-trend online ang hashtag ng episode 67 na "HOISeriesOfGoodbyes" kung saan ibinahagi ng netizens ang kanilang naramdaman sa pagkawala ni Tatay Ruben.

Bukod dito, nakakuha rin ng mataas na ratings ang episode na ito na umabot sa 9.5 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Samantala, maraming viewers na rin ang excited sa pinakamalaking laban ni Ponggay sa World Figure Skating Championships. Ipinaabot din ng ilang netizens ang pagmamahal nila sa Hearts On Ice mula simula hanggang sa pagwawakas nito.

Samahan si Ponggay sa pinakamahalaga niyang pagsayaw sa huling gabi ng Hearts On Ice, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

BALIKAN ANG ILAN SA FATHERLY MOMENTS NI TATAY RUBEN SA HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: