GMA Logo Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, Caprice Cayetano
Source: Michael Paunlagui, GMANetwork.com
What's on TV

Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, Caprice Cayetano, inalala ang favorite scenes sa 'You're My Favorite Song'

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 2, 2026 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Approval of bills removing system loss charges may take up to 6 months —Sen. Gatchalian
7 Surprisingly easy ways to make a difference even if you're busy, broke, or burnt out
Minor dies, companion hurt in road accident in Toledo, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, Caprice Cayetano


Sa harap mismo ng kanilang fans, ibinahagi ng 'You're My Favorite Song' main stars ang kanilang mga hindi malilimutang eksena sa serye.

Masayang ibinahagi ng You're My Favorite Song lead stars na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano ang kanilang mga hindi malilimutang tagpo sa katatapos lamang nilang hit romance-drama series sa GMA Afternoon Prime.

Nagtapos ang serye noong Biyernes, Hulyo 31, kung saan kinakiligan at kinasabikan ng lahat ang mga huling tagpo sa makulay na kuwento ni Angel (Caprice Cayetano) at ang tatlong lalaki sa kaniyang buhay na sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa).

Kasunod naman ng pagtatapos ng serye, naganap sa SM North Edsa Skydome ang kanilang inaabangan din grand fan meet bilang pagdiriwang na rin sa matagumpay na takbo ng serye kasama ang mga masusugid nilang fans na walang-sawang sumuporta rito.

Sa naturang fan meet, binalikan nina Caprice, Heath, Clifford, at Marco ang mga eksena sa serye at ibinahagi kung alin sa mga ito ang pinakatumatak sa kanila at hindi nila malilimutan.

Ayon kay Caprice, ang eksena nilang sama-sama sa classroom ang kaniyang hindi malilimutan.

“'Yung scene po namin na kumpleto kami, lalong-lalo na sa classroom ni Ma'am Dragon (Shyr Valdez). Marami kaming funny moments do'n,” ani Caprice.

Ibinahagi naman ni Heath na ang campfire scene sa ending ng serye at ang Brighton Bay Ball ang kaniyang pinaka-favorite.

“Actually gano'n din po. ['Yung scene] sa campfire. Other than the campfire, 'yung [Brighton Bay] ball po,” ayon kay Heath.

Napuno naman ng hiyawan ang buong Skydome dahil sa naalala ng fans ang mga matatamis na tagpo ng karakter nina Caprice at Heath na sina Angel at Miguel sa Brighton Bay Ball kung saan hinirang sila bilang ang “Brighton Bay Ball Prom King and Queen” at ikinasal din sa marriage booth sa gabing iyon.

Samantala, ang tagpo naman sa QuizCon ang paborito ni Clifford na gumaganap bilang si Calix sa serye. Isa pa sa ibinahagi niyang paborito niya ay ang unti-unting pagkahulog ng karakter niya sa karakter ni Caprice.

“Ang favorite scene ko po is 'yung nag-usap kami ni Angel (Caprice Cayetano) after ng QuizCon. Super memorable po no'n kasi. Tapos 'yung I protected Angel, tapos 'yung nahulog ako sa kanya,” sabi ni Clifford.

Ang Brighton Bay Ball at ang mga eksena niya sa karakter nina Clifford at Caprice ang ibinahaging paboritong tagpo ni Marco.

“Well, ako, honestly ang favorite ko is 'yung Brighton Bay Ball. Pero, of course, hindi ko rin makakalimutan 'yung binu-bully ako ni Calix (Clifford) pero noong dumating si Angel doon ko nalaman na kaya ko pala siya ipaglaban,” ani Marco.

Bago matapos ang naturang fan meet, nagpasalamat din ang apat sa kanilang masusugid na fans at viewers na tumutok at sumuporta sa buong nilakaran ng kanilang serye.

Unang nakilala sa buong bansa ang grupo nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0. Ang matagumpay nilang paglipat sa mainstream television ay sinalubong ng mainit na suporta mula sa publiko.

Ang katatapos lamang na seryeng You're My Favorite Song ang kauna-unahan nilang pagsasama-sama sa iisang proyekto sa telebisyon.

Related Gallery: Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, Caprice Cayetano bring kilig to 'You're My Favorite Song' fan meet